Friday, October 5, 2012
World Ostomy Day 2012
Sa Pilipinas mas kilala ang breast cancer awareness, o di kaya ang liver month, world heart day, national diabetes awareness week at marami pang iba ngunit ang natatanging World Ostomy Day na ipinagdiriwang ngayon ay hindi kilala at malamang ay hindi napapanahon. Siguro hindi kilala sa kamulatan ng lahat dahil ano ba ang ostomy? Parang foreign sounding word na kahit sa pinoy henyo ay malamang hindi masagutan. Ang ostomy ay hango sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay opening. Sa bilang na 97 milion na pinoy ay may natatala na 5 million na dumaan sa ostomy. Ang mga general surgeon or colorectal surgeon ang siyang gumagawa ng procedure upang maibsan ang tumor o cancer o kung anumang sakit na tumama sa colon. Ang opening ay naging daan para magkaroon ng pangalawang buhay. Ang araw na ito ay maihahambing sa isang tao na sumisigaw sa hangin ngunit walang nakakarinig. Ngunit naniniwala ako na sa tamang takda ng panahon, mabibigyan din ng atensyon ang mga taong nagkaroon ng panibagong dugtong ng buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment